6 days to go …
I’m sure my lola will be sad, too. She was actually crying last Saturday. She told me that everybody’s leaving her. Awww lola wag naman ganyan. One of my cousins din kasi will start her review for her NCLEX. Medyo matagal din kasi siya mawawala. Mga 5 months. Kaya malungkot si lola talaga. We were not talking about us leaving when she’s around. Para di na siya mag-isip ng kung ano-ano.
Mamimiss ko din mga officemates ko. Di na kasi kami ordinaryong officemates lang eh… magkukumare at kumpare na kami. Eh yung mga officemates kasi namin na mga taga-Laoag eh medyo nagkasabay-sabay ata nabuntis mga asawa kaya ayan, lahat kami ninong at ninang. I’m sure magkikita-kita pa naman kami ulit. Maliit lang ang mundo sa construction. Pati tauhan umiikot lang din kaya sure ako magkikita-kita pa kami ulit.
Good news is that, Nydia already gave birth to a healthy baby girl. Lumabas sa ultrasound is a boy, nung lumabas, walang lawit hahaha. Grabe, 7 years nila hinintay to mag-asawa, ngayon lumabas na siya. As usual, ninang nanaman ako whoopee! Kaso sa Laguna yun… ang layo grabe. Congrats Mama Nyds :).
I’m ready to let go Joel’s gameboy. Nung una parang ayoko na isauli eh kasi super na-addict ako sa Harvest Moon. Pero nung na-reset yung game ko, tinamad na ako i-regain yung farm ko hahaha. Kung yayaman lang ako diyan gagawin ko yan forever hahaha. Saka nakatulong din yung laptop na bigay ni Tito kahit topakin eh ok naman.
I’m trying to lose weight na talaga. Kahit konti I need to para maayos na yung gown ko. Aug. 5 na yung 3rd fitting ko kaya dapat medyo nag-lessen ng konti yung body measurement ko. I was stressing myself on the sleeve treatment again … kaso kasi nung tri-ny ko medyo itaas yung arms ko parang ang bigat. Eh paano na sa first dance namin ni Jason, hindi ko maaangat yung arms ko around his neck waaaaahhhhh! Saka ayaw nila putulan ng konti yung train ko kahit may detacheable na siya … waaaaaaaaahhhh … ano ba yan.