A Special Treat

Yes, another special treat. Yesterday, I was chatting with Joel sa YM (wala kasi yung dyesebel niyang boss niya). Tapos he mentioned that he’s been thinking about treating me out for dinner kasi di na ako makakapunta sa birthday celebration niya sa Aug. 12 (sayang naman! Sa Pasuquin pa naman yun *sigh*). Sabi nga ni Bernie mag-extend nalang daw ako para lang sa birthday ni Joel … kung pwede lang sana eh kaso yung first 2 weeks of August super busy kami ni Jason sa preparations. Hay o hay!

Dinner at 6:30p.m. sa Max’s. Joel, Jacob, Jerson, Randy, Glenn and Angie are already there waiting for me. Treat nila sa akin yung dinner na yun. How sweet naman, touched ako as in. Kahit may mga trabaho pa sila sa office tumakas sila just for me. Maya-maya lang, Bernie joined us in. Picture dito, picture doon … walang kasawa-sawa sa camera :D. Naku meron pang mga kalokohan sa photos na yan. Hindi ko nalang i-popost hahaha!

Until closing kami sa Max’s … kulang nalang kaladkarin kami palabas ng mga crew kasi gusto na nila umuwi. We decided to go nalang sa house nila Bernie and Angie. From there, dun nalang nagpatuloy ang kwentuhan. I texted my Tito na pwede na niya ako sunduin … eh nakatulog pala, one hour kami naghintay … halos inaantok na kami wala pa din si tito. Naawa na nga ako kay Joel kasi hinintay pa talaga niya si Tito dumating. In return, hinatid namin siya sa staffhouse nila.

Nalungkot nanaman ako na masaya. Kasi hindi ko ini-expect na ganun yung magiging reaction ng mga taong ito sa akin. I love this people … kasi nung nagkaroon ng issue sa office (both Toyo and PCI) hindi nila ako iniwan. They stand beside me and super pinagtatanggol nila ako. Kaya hindi ko sila makakalimutan promise!

And to Joel (uy I know you’re reading my blog right now) thanks for the treat … sabi nga ni Angie ang sweet mo daw para maalala mo pa na lumabas tayo lahat bago ako umalis kasi siya daw hindi niya alam kung paano lalo na pag wala si Nydia. I thank God for having a friend that is so sweet and so thoughtful. Thanks sa lahat-lahat … uulitin ko pa ba lahat ng sinabi ko sa iyo? Alam mo na yun hehehe! I’ll see you when I see you *wink wink* (sikretong malufet baka maudlot … pray hard, I know God is so generous … I’ll pray din na sana mag-work yun to help you na rin) and don’t forget “ninong” pag nag-abroad ka na, you’re future inaanak will be waiting for you 🙂 Don’t get so depressed baka kung mapaano ka pa. Masama yung sobrang depression. Nandito lang ako kahit 10 hours travel by bus at 45 mins travel by plane ang layo natin … eh ang text segundo lang, ang email ganun din. Pwede din naman mag-chat hehehe! And promise ko sa inyong lahat, pag nag-visit ako sa Laoag for a vacation kita-kits tayong lahat ok ok ?

Ay oo nga pala … I bought this sneakers kasi ang cute (wow motiff) hehehe! Bihira kasi yung color na ito for shoes. Magamit nga sa prenup namin ni Jason sa Aug. 10. And Jason arrived this morning. Whoopeee! He’ll help me packed my things for tomorrow. Saka he’ll gonna convince Mamang to come to our wedding 🙂 ang saya di ba? Isang tulog nalang nasa Manila na ako whoopeee! I miss Jason so much … kanina nga ayoko na siya iwan sa bahay … he’s sleeping like a baby 🙂 cute niya pagmasdan matulog 🙂

Advertisements

~ by jayzanne on July 26, 2006.

2 Responses to “A Special Treat”

  1. hi…got here from ailyn’s blog. What a coincidence Im a former wawie (way back in 2002-2003)and I’m also jayson’s classmate sa FEU. Kaya pla sa friendster I saw dun na nag DW kau..yun pla wawie couple na pla kau. COngrats pla ha and do tell jayson my pangangamusta.

    by the wayI find all your entries cute..nalalala ko tuloy ang wawie days ko…link u guys ha

  2. Hi jeanny thanks for dropping by. Sabi nga ni Jason classmate ka nga daw niya sa FEU … small world huh? hihihi!

    I’ll link you up, too mwah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: