A funeral, a fiesta and 2 job applications!

Jason and I went to a funeral. Hubby’s friend’s father (did I typed that right?) died last Wednesday. Interment was yesterday in Loyola Memorial Park in Marikina. Hindi nakikisama ang init… buti nalang hubby and I brought towels kasi super duper init talaga and mega pawis kami dun. Ayoko talaga tumitingin sa patay. Lalo na pag hindi ko kilala yung namatay. Ewan ko parang nag-iimprint sa mind ko yung look nila na nakahiga dun sa coffin. Ayoko magka-nightmares no!

After that, we went to San Mateo. Fiesta kasi and nag-invite yung isa kada ni hubby. So went naman kami lahat dun. Good thing I brought along our wedding album and video. Napanood na din nila sa wakas ang video hihihi. And good news is, another couple from their kada will be getting married on Nov. 8, 2008. We’re so happy kasi ang tagal na nilang mag-bf/gf kaya gusto na din namin makasal sila. Of course, willing kami to help the couple, medyo budget concious ang couple so puro labor of love ang mangyayari sa wedding nila. Will gonna help them go through everything stress free. Eh umpisahan muna nila magpaalam sa mga magulang nila bago planuhin lahat hahaha.

Naku lumabas nanaman yung mga horror stories pagpatak ng 12 ng gabi. Susme! Kaya nung umuwi kami ni hubby talagang super takot ako nung dumaan kami sa Batasan. Kasi meron daw dun lumalabas or entity ek-ek. Good thing nakauwi naman kami ng maayos. 2:30 a.m. na kami nakauwi kanina.

One college friend told me may opening daw sa office nila. At around 9:00 this morning, I have a call from their secretary (or HRD) from Allan Amores Architects and was scheduled to have an exam and interview ASAP. Dapat this afternoon yung interview. Eh kaso naman na-shock ako bigla baka ma-mental block ako kung ngayon ako pupunta dun. So I asked them kung ok lang na tomorrow nalang. Kaya I’m scheduled to take the exam tomorrow at 8:00 a.m. Need all your prayers. Wish me luck.

And another friend of ours called me to send a resume to his email address. Because 2 of their cad operators eh aalis na or magreresign na from work. So naalala niya ako na tawagan na magsend ng resume sa kanya para daw maipila at ma-review na ng Huawei yung resume ko. Akalain mo yun, dalawang trabaho in a day.Not bad! Sana nga matanggap ako kahit isa sa mga job offer na yan. I really need to work na kasi super nakakatamad na dito sa bahay and malapit na mag-Pasko. Iniisip ko lang… paano kaya ako pupunta ng Cebu sa October kung may work na ako? waaaaaaaaaaahhhhh! I think my dream to ride a plane would set aside for a while. Feeling tanggap na ako eh no? Hahaha!

Send ako message sa mga WPP chatters… ano maganda na font for resume. Salamat sa mga advice lalo na kay Isagani … ngayon yung 2 page kong resume eh 1 page nalang wahahaha! Ang dami ko ni-revise. Sana nga this would work. Thanks ulit guys!

Basta wish me luck … sana matanggap na ako sa work!

Advertisements

~ by jayzanne on September 10, 2007.

4 Responses to “A funeral, a fiesta and 2 job applications!”

  1. uy madaming-madaming goodluck sa iyo mah dear. 😀 ok yan.. para mapapaskuhan mo kami this christmas. wahehehehe…

  2. uy, goodluck sa iyong job application, sis. 🙂

  3. ann goodluck sa application
    anyway po, nakakaaccess kba nung sa wordpresspinoys na forum naten? knina pa kase ko hindi makaaccess.. sigh

  4. To Jojie and Pao, salamat mga sis. Sana nga magkatrabaho na ako ng maambunan ko kayo in a way sa Pasko weeeeee!

    Hi bro, salamat din sa iyong wish … kaninang umaga nahirapan ako pumasok. Nag-dedebug error. Pero nung pumasok na ako nung mga afternoon, 1pm na ata yun, ok na nakapasok na ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: