Halo-halo

Hindi yung pagkain ha… since 2 days nagloloko ang WordPress eh naghalo-halo na ang mga ikukwento ko. Sa sobrang tagal nakalimutan ko na nga yung iba na dapat kong i-blog. Nung mga panahon na ina-akala ko na ako lang may problem sa WP, eh nagtry ako mag-bloghop … sa kasawiang palad di ko din nagawa dahil pati blog nila di ko ma-access. Hmmm… bat kaya?

-ooOoo-

Eh kamusta naman daw yung job interview ko last Tuesday? Hmmm… the interview went ok. Phone patch from Australia ang interview ko. Parang nakikipag-usap ako kay Charlie, sa Charlie’s Angels. Muntikan na mag-webcam pero buti nalang hindi natuloy. Yung hands on exam … hmmm … oh it’s a tough one. Let’s just say, if kahapon lang ako nawalan ng work, it might have been so dumb easier. And since almost one year na akong NOT working, plus four years exposed on civil works… wala na ako masyado alam sa Architectural… or so I thought. Sinamahan pa ng kaba sa pag exam eh talagang mahirap nga yun hehehe! Yung isang friend ko nag-apply din dun. Sa awa ng Diyos pareho kami na di pa tinatawagan. Dalawa ang kilala ko sa office na yun, yung college buddy ko saka yung ex-officemate ni hubby na super duper galing sa rendering. Wish ko lang matanggap ako.

About the second job offer, wala pang balita hehehe!

-ooOoo-

Last Thursday naman, na-operahan sa mouth yung Samoyed namin na so na si Kimchee. May excess skin na tumubo sa ilalim ng dila niya. Eh hindi na siya makakain dahil nakakagat na niya yung namamagang kung ano man yun. Siyempre aso yun, di naman makareklamo yun. Basta iiyak nalang yun. Nakatingin lang kami ng kuya sa daan habang ginagawa ang operation. Kasi kinakabahan ka na baka di niya makayanan ang operation. Well, it’s a success by the way. She can now eat a whole bunch of feeds. Medyo hindi pa nga lang makatahol ng malakas kasi medyo nasasaktan pa siya pag tumatahol. Pero naglalaro na sila ng playmate niya na si Iwamoto. Thank you, Lord!

-ooOoo-

Lately, I’ve been feeling some pain on my back and sa puson ko. I told OB about this so she told me that I should lessen the intake of my Metformin from 3 doses to 1 dose a day. And true enough, medyo na-lessen… take note! Na-lessen lang ang pain. Tolerable naman siya. Ayaw lang niya na nakaupo ako ng matagal at nakatayo ng matagal. Gusto niya lang nakahiga. Hindi sign ito na ako’y … isa ng tamad? Susme! Wag naman sana. Alam ko hindi ganun ang signs ng pagiging tamad hahaha!

-ooOoo-

Naka-book na kami for Cebu on October 25 to October 30 … weeeee vacation galore to. I’m so excited and I just can’t hide it hahahaha! I told Jason na gusto ko ng Crocs. Hindi ko alam kung bibilhan niya ako pero I’m torn between two colors.

crocs.jpg

White (Pearl) is a universal color. Any color of clothes would fit that color same as black. Pero gusto ko din yung Sea Foam. Susme, eh ang mahal kaya ng Crocs. Kung dalawa bibilhin ko, baka mamulubi na kami nun. Pero ayon sa aking kuya, eh naglipana daw siya sa Uniwide Coastal Mall. Mga class A naman daw … hmmm… nakakuha tuloy ako ng idea hehehe.

At dahil malapit na ang Cebu trip, eh medyo nag-didiet na ako. Dahil sa Metformin, tumataba ako. Kainis! Sinabi mag-diet para magkaanak, tapos binibigay naman sa iyo pampataba … hay kakaloka ang life. Bat naman ganun? Anyway, nung time na bumibili ako ng blouse para sa aking interview, eh nakakita ako ng mga tee na parang pa-preggy look ang design. Gusto ko bumili nun para hindi mahalata ang mga bilbil ko. Sayang naman ang trip to Cebu kung namumukadkad ang bilbil ko sa tiyan hahaha! Sana nga lang eh hindi siya naubos nung sale. Baka kasi wala na yun ngayon 😦 eh humihirit pa ako kay hubby na bigyan niya ako money pang-shopping eh hehehe.

-ooOoo-

Addict ako sa Plant Tycoon ngayon. Kahit kasi naka-off ang iyong computer lumalaki at namumulaklak ang iyong mga plants. Mga 5 days ko na siyang nilalaro 🙂 Super saya … dito lang ako nakakabuhay ng mga ganitong plants. Makes me wonder kung meron nga na ganitong plants sa totoong buhay hehehe!

greenhouse2.jpg

Advertisements

~ by jayzanne on September 17, 2007.

11 Responses to “Halo-halo”

  1. sea foam!!! hehe.
    😀

  2. gusto ko din yung sea foam … ganda ng color di ba?

  3. sea foam ganda ng color!

    * akala ko sa dsl connection ko ang prob kung bakit laging connection reset and WP

  4. naku Jean, ako din, muntikan nanaman ako napatawag sa Smart Bro nun. Kaso pag nag-oopen ako ng ibang sites, ang bilis naman niya.

  5. hindi ba mainit sa paa yang crocs na yan sister?

  6. sabi ng mga friends ko hindi naman daw… maganda nga daw gamitin everyday kasi di daw masakit sa paa. Marami design to choose from.

  7. nabasa mo na ba yung accident ng isang kid with a crocs? delikado din naman talaga pag bata kasi eh.. anyway may nasulat ako tungkol sa mga tsinelas na yan at may maganda akong nakita, yung melissa na brand. andun sa post ko na Thong Reviews eh, if you wanna see it 🙂

  8. Hi sis Iris, oo nabalitaan ko yun. Sa sobrang lambot ng Crocs pwede siya pumasok dun sa in-between ng escalator. Sige sis, dalaw ako sa blog mo at mabasa yung tungkol sa Melissa brand.

    Naku mukhang di matutuloy yang Crocs na yan… eh di na ako makakasama sa Cebu eh 😦

  9. hane,
    magkano yang Crocs na yan dyan sa phils?
    🙂

  10. ei Ibyang, it cost around 2,500 pataas … iba price pag panlalaki eh.

  11. di kO lAm yAn mgA yan..
    pero ok ung sea foAm,
    bt knA ksmA sA cebU?
    syAng nAman..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: