About my first day!

First, to all who wished me goodluck on my first day, thank you so much! mwah!

4:00a.m. ako nagising at diretso agad naligo. Ang lakas ng ulan sa labas, feeling binagyo ang first day ko. Sana lang di rin ako bagyuhin sa office sa unang araw ko. Umalis ako ng bahay ng 5:30. Nakasakay ako ng 5:45 … nakarating ako ng office ng 6:45. Ang aga ko, wala pa tao sa office. As in naka-lock pa! After 5 mins dumating na yung isa kong officemate na si Ms. R., at nasundan pa ng isa na si Mr. EM na may dala na ng susi.

At dahil maulan sa labas, na-late ang iba. Pagka-on ng PC, nag-good morning agad ang boss namin na si Mr. A. Since wala pa ako sa network nila, hindi ako nasabon. At bakit naman ako masasabon, wala pa ako ginagawa hahaha! Mababait lahat ng officemates ko. Kahit yung secretary namin na si Ms. L ay super bait. Kasabay ko na din sila naglunch … Nandun si Mr. K, si Ms. J, Si Mr. EA at si Mr. C… si Mr. AF absent, kasi sinamahan ang kanyang wifey magpa-check up. Hay buti pa sila 😀 sabay ganun!

Puro orientation ako ngayon araw na ito. Pero nung mga 3:00pm na, medyo nahiya na ako na walang ginagawa sa kinauupuan ko. Kaya humingi na ako ng gagawin. Buti nalang may naka-ready na. Balak kasi nila bukas ako isabak sa gera… este sa trabaho pero dahil nag-insist ako na may gawin, ayan nagtrabaho na ako. I’m 50% done with what Mr. EA gave me. And I’m damn proud of it. Yey! Bukas sana matapos ko na yun before lunch time. Para bago naman na ang gagawin ko after lunch. 

At dahil 7:oo ang pasok ko, nakauwi na ako ng 5:oop.m. pero sa sobrang hiya ko hindi agad ako nakatayo at 5:30 pa ako nakaalis hehehe. Dumaan muna ako sa Robinsons Galleria … nabanggit ko ba na malapit lang dun ang office ko? Siyempre na-miss ko ang Robinson, tagal ko na di nakakapunta dun. Anyway, medyo nainitan ako sa paglalakad kaya nagpalamig muna ako sa mall. Ngunit di pa ako nakakatagal eh naramdaman ko ang hilo at para akong naduduwal. Sabi ko sa sarili, “not the right time to window shop… need ko na umuwi”. And so I did.

Nagpasundo ako kay hubby sa babaan ng bus, mukha kasing matutumba na ako sa hilo. Nung dumating na kami sa bahay at kumain… akalain mong nawala ang pagkahilo ko at pagduduwal … NAGUGUTOM LANG PALA AKO … hahaha! Akala ko kung ano na eh. Hahaha!

Yun lang po … kung ano pa ang mangyayari sa mga susunod na araw eh malalaman nyo rin. Sa ngayon eto na muna 🙂

Again, Lord, thank you po sa lahat!

Advertisements

~ by jayzanne on September 19, 2007.

8 Responses to “About my first day!”

  1. I love the enthusiasm! May you never tire of life’s great side. It’s always there no matter what we do.=)

  2. wow! the office is near gale! ann, daan ako sa office mo minsan pag nasa pinas nako.

    re hilo: akala ko pa naman success na hmp! gutom lang pala. lol

  3. blow by blow account talaga, parang andun din ako sa opis pwera na lang dun sa nahilo ako sa mga initials ng mga opismeyt at boss mo. 😆

    break a leg sis! 😀

  4. ang tindi sa pagkukuwento… naexcite pa naman ako sa naduduwal at nahihilo eh, at sabi nga nila… gutom lang pala :p

    hay naku sis, nega pa rin ako… asa na naman sa buwang ito :p

    good luck sa work at sa TTC! ingatz… abangan ko uli kwento mo bukas. same time same place! tsuk!

  5. the pers day in the life of an Ortigas girl hehehe minsan pag may meeting ako sa Ortigas kape tayo ha Mrs. Pasawife at shempre dahil teritoryo mo yun ikaw ang host. halatang halata ang excitement sa work ehem ano gagawin natin sa pers pay day ng bagong pasaworker?

  6. @Ruy, ei bro salamat pero mukhang hindi na ako matutuloy magwork sa office … kasi pregnant na ako weeeee!

    @Azrael, wag ka malungkot… nagwork yung kingkong style hahaha!

    @Jojie, sis pag hindi na ako natuloy magwork, wala ng blow in 😦

    @Mari, akala ko lang gutom lang yun, pero wala kami ginawa sa office kundi kumain kanina at magtrabaho pero nararamdaman ko parang ang hapdi ng tiyan ko saka naduduwal ako. Yun nga positive na pala 🙂

    @ Kuya Selvo, naku kuya, pag tuloy pa din ako magwork, why not coconut mag-coffee tayo. mwah!

  7. ann, since buntis ka, make sure you have something with you — biscuits or some dried fuits. but dont eat them all at once, pangpa lipas gutom lang ba. avoid peanuts!!!

  8. Ate kengs, I already resigned 🙂 My boss just replied on my resignation today 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: