Wrecked Poohroza

Poohroza is our Feroza car. The reason why it’s Poohroza because of it’s tangerine color just like Winnie the Pooh. Last night around 10:30p.m., Jason called me asking for my brother’s assistance because he met an accident in Sauyo Road. Paano ba naman, umatras yung truck ng walang pahinante … eh kasalukuyang binabaybay ni Jason yung highway ng bigla nalang may tumama sa kanyang truck!

After Jason called me, I called the police right away to ask for assistance. According to my husband nakainom yung driver. And nakisawsaw pa yung mga kaibigan nun na lasing din. Kaya nagkagulo na. Nagpatawag na nga ng back up na pulis yung nagpunta sa crime scene.

Jason is fine (Thank God!) This is the 2nd time na nabangga siya. The recent one was months before our wedding last year. A drunk jeepney driver collided with him. Compared to the accident last year, mas malumanay ung kagabi. Here are some photos from the accident:

(Note: The reason why Jason have a camera with him is because he just came from their 6th Feroza Club EB)

img_0114.jpg

Our poor Poohroza … napuruhan!

img_0122.jpg

And here’s the culprit!

img_0126.jpg

Scene of the crime

Sigh… I have nothing against poor people like them. Nakakainis lang kasi sila na may kasalanan, sila pa galit, sila pa arogante, sila pa may gana mag-threat. Kwento nga ni hubby, may isa daw lapit ng lapit sa kanya na laging nakalagay yung kamay sa bulsa na di niya alam kung ano ang pwede bunutin dun kung saka-sakali. Yun na nga lang yung alam nilang ikakabuhay nila, hindi pa nila ayusin. Gumagawa pa sila ng gulo. No wonder you all go to jail. Sabi nga ng Kuya ko, magpasalamat yung driver at mabait ang asawa ko. Kasi kung nataon yun sa mga taong may dalang baril at mainitin ang ulo, eh isang bala lang yun, dead na agad.

Hindi pa namin alam kung mababayaran kami or hindi. Pero I’m sure they will. My mom works in DOTC sa legal Department, and so as my sister in law who’s a lawyer. If they won’t cooperate, bahala na ang batas. Pero sabi ni Dad, wag na masyado pag-aksayahan ng panahon dahil wala naman daw kami magagawa kung walang ipapambayad yung nakabangga. Isipin nalang yung kalagayan ko, di pwedeng ma-stress hehehe.

Today, I’m thanking God again … coz for the 2nd time around, He saved the love of my life. Thank you Lord, You really are good to us.

Advertisements

~ by jayzanne on October 21, 2007.

12 Responses to “Wrecked Poohroza”

  1. thank god talaga that your hubby was unharmed. anubayun, orange na nga yung sasakyan niyo, di pa rin nila nakita?? 😛 inis din ako sa mga tao na, sila na nga yung may kasalanan sila pa yung galit. anyway, i hope hindi ka masyadong na-stress about this incident especially since delikado ang kalagayan mo ngayon. i also hope that you will be able to settle all of this smoothly. good luck! 🙂

  2. ewan ko ba kung bkt me mga taong ganyan. bahala na si lord sa knila. basta, rest ka lang. buti na lang alang nangyari ke hubby, bangga man or sa mga demonyong un. rest ka lang mabuti para nd mapano si baby. take care always!

  3. @ Meeya, di naman ako masyado na-stress… medyo napuyat lang dahil hinintay ko talaga makauwi si Jason from the police station. Thanks!

    @ Cheche, tama ka, bahala na si Lord sa kanila … hehehe!

  4. hi sis. I remember when Rain had his car accident also same as you na few months before the wedding. Yeeesh! Buti nlang at nde grabe. Wala tayo magagawa jan sa mga taong walang pki kse nde naman sa kanila un e…

    Wag ka masyado magpaapekto for the baby… take care

  5. dear mommy (-to-be) anne,

    i am thankful that daddy (-to-be) is safe though your poohroza sustained some damage. nakakatakot nga talaga sa kalsada kahit matino kang magmaneho dahil di mo alam may masasalubong kang iresponsableng driver. alam mo wala rin sa economic status ang katinuan sa pagmamaneho. tingin ko mahirap at mayaman kung tarantado ka talaga at iresponsable, madidisgrasya ka or makakadigrasya ka. wala din sa economic status yung sila pa ang galit kahit sila ang mali. Di ba may mga controversial tayong mga kasong traffic-altercations-turned-murder cases at karamihan sa mga ito ay mayaman ang bumaril sa mga ordinaryong drivers dahil lang sa traffic altercation.

    Di ako masyado naniniwala sa mga pamahiin. Sabi kasi ng mga matatanda pag ikaw ay malapit nang ikasal o malapit nang maging magulan malapitin ka sa disgrasya. It won’t hurt though if both of you soon-to-be-parents will take extra care these days. praying for you 😉

  6. @ Kaye, sis correction pala, sabi ni Jason Oct 4, 2006 daw siya naaksidente nun, that was days before our wedding. And I saw your blog before about Rain’s accident din.

    @ Kuya Selvo, I know disregarded ang status ng buhay ng tao sa pagmamaneho. Pero kasi natataon sa amin yung mga driver na pinagkakabuhayan ang pagdadrive nila. Kaya ako naiinis kasi yun nalang ikinabubuhay nila, di pa nila ayusin. Katulad ngayon ayaw ata kami bayaran nung kumpanya na pinagtatrabahuan nung driver. Pano naman kami? Ginagamit din naman ni Jason sa trabaho yung sasakyan na yun di ba?

    I didn’t know may pamahiin sa malapit na din maging magulang. pero dahil diyan, mag-iingat na talaga kami lalo ngayon. Salamat kuya mwah!

  7. Hey Ann!
    How ironic that he just came from a Feroza club’s get-together! Oh well…
    Anyhow, don’t wonder anymore why these people are what they are. It takes a certain kind of maturity to be able to present oneself in a certain decorum. And if one such as they, had any kind of broadmindedness and maturity, they wouldn’t be stuck in the kind of work that they presently are in.

    Ika nga… ang mas malawak ang pagiisip ang siya na lamang na umunawa. Don’t despise… just have pity. Sometimes… well, most of time actually, these people don’t even realize that what they do is wrong… so, “Hate the sin… not the sinner”.

    Just glad everyone came out safe. That’s what matters. But that doesn’t mean na hindi nyo na hahabulin sila for damages ha… think of it more like teaching them a lesson rather than just getting even.

    Cause in the aspect of “being fair”, it is but also “just” to have them accountable and answerable for their errors.

  8. Hi Chuck, well said. Like my Dad said, kung walang pambayad, let it pass and lesson learned nalang. Eh kasi kung pagda-drive lang ang pinangkakabuhayan, wala ka makukuha kahit isang kusing. Maawa ka pa sa mga pinapakain. Eh this one is different kasi, may kumpanya kasi siya na pinagtatrabahuan, unlike yung jeepney driver na nakabangga sa kanya before eh sarili niya yung sasakayan, though lahat kanaya ang kikitain eh madami naman anak. Eto, kahit papaano meron at meron sisingilin. Hihihi!

    Update Update! Naka-insured yung truck so babayaran nila yung expenses, kasi estimate ni hubby nasa 13K yung damage. Then the driver called sa house and told him na ikakaltas sa sweldo niya. Sabi ba naman eh kung pwede kalimutan nalang daw nila yung nangyari para wala na daw bayaran pa ang company kay Jason … hala! Inisip ang sarili hehehe! At after niya mag-threat sabay magmamakaawa … tsk tsk tsk!

  9. Ann…
    That is the problem with these people eh… they act on impulse then when the whole thing sinks in and dawns on them, that’s when they realize what a big boo-boo they’ve made.
    Yan ang hirap sa “yabang muna”… in the first place, pangit ang mayabang… pangalawa, kung talagang magyayabang ka (which I don’t tolerate, ha), make sure you can follow through.

    I don’t even think his “pagmamakaawa” is sincere. Could be only because it dawned on him na wala siyang pambayad. OR… and I’m quite sure this is what happend… kinausap yan ng kumpanya niya at sinabing ikakaltas sa sweldo niya ang damages at sinabing “kung ayaw mo makaltasan, tumawag ka sa taong naagrabyado mo at magmakaawa ka para di na natin kailangan bayaran at para di ka na makaltasan”.

    It’s okay to be merciful, but there is also such a thing as being “mercifully just”. Forgive… yes. But the lesson shouldn’t be forgotten.

    If I were in your shoes now, and let’s just say if I had a substantial amount of extra cash lying around which I can readily use to have my car repaired… I’d still have the company pay for damages… Only to teach the person a lesson.

    Of course, I’d return the money the person was forced to shell out… but only after he’s realized how it feels to become accountable.

    In the end, you are able to convey the lesson and still become merciful.

    BUT… that is IF you have the extra cash lying around. If not, well, that’s a totally different story… hehehe.

    But the main thing here is the person shouldn’t walk away with “the” lesson unlearned. Regardless if the money is returned OR not… he WILL learn his lesson.

    That will be your better contribution to society. 🙂

  10. yun nga problema Chuck, wala kami extra money … meron pero meron paglalaanan in 7 months time. Actually kaya naman ma-afford ni Jason yung repairs… like you said, gusto lang niya bigyan ng lesson para magtino. Kasi kung lagi papalagpasin mga ganitong situation, mauulit at mauulit yan sa ibang tao. Hindi na tumatawag dito yung driver, siguro na-realize na niya yung ginawa niya. According to him, 3,500 a month sweldo niya, pinababayaran sa kanya 5,000. Kung iisipin mo, talagang maaawa ka. 3,500 sa isang buwan? Kaso kailangan gawin para magtino siya.

  11. Marami pa bang Feroza sa atin?

  12. Hi Culture Shock, yah I think so, kasi sa egroups ng Feroza club meron ng 100 something members, all have Feroza cars. Kaso nga lang pag nasira yung mga major na piyesa pahirapan sa paghahanap. Kasi wala na nagbebenta. Meron man sa Ebay sila nakakakuha or sa kapwa nila Feroza club members.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: