Lost in Space

I was bitten by a lazy bug. It’s true nga yata, when you’re pregnant, lagi ka nasa tamad mood. Kung nasa masipag mood ka naman, nagiging lazy naman yung eyes mo, ayaw matagal sa computer, ayaw manood ng TV ng matagal, ayaw din magbasa ng mga libro kasi sumasakit ulo mo at nahihilo. Ang hirap di ba? Nakakawindang!

I know madami akong utang na kwento. Unti-untiin natin yan. Pasensiya na at di ako nakaka-update ng blog. And pasensiya na din sa mga ka-bloggies ko na hindi din ako nakakapag-bloghop! I’ll try to drop by as often as I can. Alam ko madami na din nagtatampo… pasensiya na talaga ha.

~*~ooOoo ~*~

Baby J now 12 weeks

Yup, 12 weeks na si baby J and graduate na din sa wakas ako sa first trimester. Almost 3 months naka-house arrest ako because of the dreaded hemorrhage. But now, it’s already uplifted. Pwede na ako lumabas, pero di pa din ganun ka-grabe! Hindi ako pwede maglakad ng matagal, nakatayo ng matagal. At bawal din matagtag. Pero pwede na ako magtravel. Stop na ako from taking Duphaston and folic acid. I’m now taking ascorbic acid and Clusivol OB as multivitamins.

Baby J is fine according to his heartbeat sabi ni OB. Medyo malikot nga si baby kasi super hinanap talaga ni OB kung nasan siya, pag naririnig niya bigla nawawala. I can hear its heartbeat more louder than before. Kaya alam ko lumalaki na talaga siya. Here’s how my baby is growing inside me according to babycenter.com:

Fingerprints have formed on your baby’s tiny fingertips, her veins and organs are clearly visible through her still-thin skin, and her body is starting to catch up with her head — which makes up just a third of her body size now. If you’re having a girl, she now has more than 2 million eggs in her ovaries. Your baby is almost 3 inches long (the size of a medium shrimp) and weighs nearly an ounce.

~*~ooOoo ~*~

Sudoku

I’ve seen a Sudoku book last year when my tita from the US brought this for my cousin as pasalubong. Since it’s a logical game, hindi ko siya pinansin. Medyo diyan ako mahina minsan eh, sa mga logic ek-ek. Pero I have that game in my palm held. But since my palm held is out of use this past few months (and still looking for a shop that sells chargers for Palm Helds) eh medyo gusto ko i-try na mag-Sudoku using pencil and paper. Challenging di ba? Bumili ako ng Sudoku game Easy from Summit Media Publishing. At first medyo nahirapan ako. Pero habang tumatagal super addicting nga siya. Eh kaso easy lang yung binili ko, ano kaya feeling nung medium at expert? Binilhan ako ni brother ng Samurai Sudoku Sensei. Susme, dala ng kayabangan ko ayan wala ako masolve na puzzle… super hirap kaya! Dapat pala yung medium at expert booklet lang muna binili ko. Lagi ako nakakatulog pag may sinasagutan akong puzzle. Ahihihi feeling ko dudugo ang ilong ko pag sasagot ako ng puzzle dun sa book na yun. Pero I’m not giving up, still working on it. Ako pa, di ako sumusuko agad. Go lang ng go hehehe.

~*~ooOoo ~*~

At yun lang muna … next time na ulit ang kwento, kasi antok na ako, at antok na din ang baby ko.

Advertisements

~ by jayzanne on November 21, 2007.

5 Responses to “Lost in Space”

  1. lam mo ako din na-adik sa sudoku nung first trimester ko. Pero sakin yung mobile game (cellphone) yun ang pampaantok ko sa gabi hehe!

    ako naman ang nka-house arrest huhuhu! ingatz buntis! hirap ma-ospital!

  2. addicting talaga yang sudoku! Install ka ng Skype. Chat sya na parang Yahoo Messenger… meron dun Sudoku game for free! 🙂 Mas gusto ko maglaro nung electronic na Sudoku kasi malalaman mo agad pag may mali. Pag sa paper kasi malalaman mong mali ka kapag matatapos na yun puzzle. Mahirap na hanapin kung san nagkamali! 🙂

    have a safe pregnancy… matalino siguro yun baby mo paglabas kasi nagmi-mind exercise si mommy while preggie 🙂

  3. @ Mai, Yun din papampatulog ko sa gabi sis. Saka yun din ang nagpapagising sa akin sa afternoon para di ako tulog ng tulog hehehe. Nakakatuwa kasi laruin, ayaw na nga ako panoorin ni Jason minsan kasi nakikita niya kung pano sumisimangot yung mukha ko pag di ako maka-solve ng puzzle hehehe. I’ve read about your spotting, konting ingats sis, precious baby ang mga dala-dala natin kaya super extra care ang kailangan.

    @ Wanda, may Skype si hubby sa PC niya, ma-try nga yun. Tama ka, masaya laruin ang Sudoko pag sa PC o cellphone siya nilalaro. Nalalaman mo agad yung sagot pag mali yung pinaglagyan mo. Kung di lang nasira charger ng hand held ko sana dun pa din ako naglalaro hehehe.Magdilang anghel ka sana Wanda, sana nga maging matalino anak ko hihihi.

  4. hey ann, buti naman ok ka na at pwede ka nang lumabas. i’m glad na lagpas ka na sa 1st trimester (whew). unfortunately for me, i still have the hermorrhage (after a week’s rest). actually, lumaki pa siya. waaaaah! i’m kinda scared for the baby although sabi ng doc, i shouldn’t be alarmed. she just asked me to rest again for 2 more weeks kaya eto… blog at bloghopping nanaman ginagawa ko. =(

  5. Hi Tin, ganun daw talaga pag first baby, may implantation bleeding. Kaya never worry, just do what the doctor tells you. Wag ka muna lumabas, as in sa bahay ka lang. Di ka naman total bed rest right? OK lang maglakad lakad sa loob ng bahay pero wag muna sa mga malls … tapusin mo muna yung first trimester.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: