The Perks of a Preggy Wife

After I got Dad’s N93i phone a month ago, last Thursday we went to Trinoma. After letting him read an article that the best shoes for pregnant women are Crocs, Jason already give in on buying me a pair. Of course, he bought one for himself as well. By the time I went to Crocs, I know kung ano ng gusto kong kulay at gusto ko ng bilhin. Pero pagdating dun, ang dami ng variety, may mga new arrivals pa. Naloka nanaman ako … I tried one of their Mary Janes… kaso wala akong size na available kahit anong color. Nung triny ko naman yung sa kids, medyo sakto naman sa paa ko yung size. I thought madidismaya ako nung araw na yun. Pero wag ka, the salesperson offered that I should try their Girls Alice Crocs.

girls-alice.jpg

When I’ve tried it on, I can hear it screaming buy me! buy me! And I did bought it. Thanks to my super duper loving husband. Jason bought an Off Road Crocs in Chocolate. Yup pareho kami ng color, nataon lang, hindi sinadya. He’s planning to buy another pair pero baka next year na daw. Yung pinaka-gusto niya kasi na style eh wala siyang size. Siyempre di naman ako papayag na di niya ako bilhan ulit. Nyek… demanding!

Since all my pants are getting tighter and tighter every week, I’ve decided to buy a new pair of pants. Pero i bought a maternity pants na … though my tummy is not that visible na pregnant na nga ako eh inisip ko na dapat yung bibilhin ko eh magagamit ko na hanggang manganak na ako. We went to Havin’ a Baby. According to my pregnant friend, Pittipat eh their pants daw has adjustable garter depending on your preference. Kaya dun ako bumili. Medyo pricey nga lang pero magagamit ko naman siya kahit hindi na ako buntis. If you’re a first time mom, may gift ka sa kanila. I have a bag full of free stuffs like Huggies diapers, lotions and baby wash, sample detergents for infant clothes, Mommy Pages and a Mommy Academy mag. Super natuwa ako, feel na feel kong buntis talaga ako and I can’t wait to use them already. Kaso maghihintay pa ako ng 6 months… di bale mabilis nalang yun hehehe.

I also saw a dress sa Havin a Baby that I can use on a friends wedding on December 8. Kaso si hubby umiral nanaman ang pagka-bagnet. Minsan ko lang naman daw gagamitin yun kaya it’s not practical to buy that certain dress for that occasion. It’s like one of those dresses Karen Davila wore on TV. 3/4 sleeve na empire cut dress. It’s so pretty swear to God. I’ve tried to look for a dress at SM Fairview, unfortunately, puro dark colors ang available. Di naman pwede magdark color sa isang wedding unless the couple asked you that it’s a black night. Kaya I’m sure mapipilitan nanaman si hubby na mabili yun dahil 2 weeks nalang eh December 8 na. Wala na masyado time … at di lang yun, di rin ako pwede mapagod para lang maghanap.

Last Wednesday naman, sumama ako sa Kuya ko at kapatid ko sa SM Fairview. Magbabayad ng bill si Kuya and my kid brother will buy an enamel paint para sa bahay. Sumama ako since it won’t take much of walking dahil konti lang errands. Nagkaroon din ako ng chance to go to the beauty section of SM Dept. Store and saw my favorite lip balm (Blixtex Lip Tone) now already out in the market again. And medyo naging cheaper siya, P85.oo nalang. Since dalawa nalang ang natitira sa rack, pinakyaw ko na! Binili ko na pareho. Baka mawala nanaman kasi eh mahirapan nanaman ako maghanap. I’ve been looking for that certain brand for 2 months already.

lip-tone72.jpg

Six months nalang until I’m out of excuses, kaya samantalahin while it last hahaha! Sarap maging buntis … kaya I super love it so far. I’m sure mas marami ako mapapasaya pag nanganak na ako. Marami na naghihintay sa baby ko eh. Pero wala ng mas excited sa kanila kundi ako at si Jason 🙂

Advertisements

~ by jayzanne on November 23, 2007.

7 Responses to “The Perks of a Preggy Wife”

  1. masaya talaga pag buntis kasi walang kumokontra hehe spoiled ba 😉

  2. well..i can totally relate sis! hehe! aba dapat lang noh…mahirap kaya kalagayan natin kaya deserve nating mapamper hehe! Lucky you kasi di ka nagwowork kaya oks lang kahit wag kang masyadong magbibibili ng maternity clothes..ako no choice eh. Ala namang uniform sa office. Di naman pwedeng pagkasyahin ko ang katawan ko sa mga regular blouses ko kaya ayun i have about 5 maternity blouses, 1 maternity jeans, 1 slacks and 1 capri pants. Unlike ng hubby mo, si Paul naman siya pa nag-ooffer na bilhan ako ng damit. hehe! Siguro nagsasawa siyang araw-araw nakikita paulit-ulit mga damit ko pag papasok ng ofis hehehe!

    Nice crocs…really? best shoes ang crocs sa mga buntis?

  3. @ Joanjoyce, korek ka jan joyce… lalo na sa pagkain yummy!

    @ Mai, hinahanap ko nga yung article na yun eh, pero eto yung isang site na nadaanan ko before … http://www.duematernity.com/crocs.html at

    eto pa… http://www.canada.com/saskatoonstarphoenix/story.html?id=b52b178f-920a-4a2c-b402-85d1ad59a130

  4. oops, ann, didnt you know about the adjustable pants for preggies? meron din mga dresses na adjustable din e, try going to gap stores.. i love that crocs, maliit din size ng paa ko, may magkasya kaya sa akin, hehe

  5. @ Ate Kengs, meron na akong preggy adjustable pants ate. Just bought it 2 weeks ago. About the crocs, I’m sure may size ka. Yung binili ko pang-kids yun eh. Kasi yung Mary Janes nila wala ako size, puro size 8 na. Yun sana gusto ko eh.

  6. hi anne! nag-try ka na sa SM/robinsons dep’t store? i remember i bought my only maternity jeans there (di ko na maalala kung alin sa 2), at ok siya kasi garterized and it goes under the belly, at jeans pa! hindi kasi ako mahilig sa maternity wear noon 🙂 i make do with stretchy clothes, hehe. pero alamo, bili ka nalng ng stuff na magagmit mo pa rin even after giving birth. para hindi sayang diba?

  7. Hi Iris, pareho tayo, di din ako masyado sa maternity clothes kasi gusto ko after ng pregnancy, I can still use it. Kaya hindi ako masyado bumibili as of this moment, gusto ko super malaki na talaga tummy ko pag bumili ako para makita ko kung maganda ang fit or not hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: