Baby J wants to be a Supermodel

That’s what the OB Sonologist told me after my ultrasound last Monday…

I had an emergency visit to my OB because I was worried because Baby J is not moving that much. Since I’ve reached my 24 week, Baby J is so active. But last Monday was different. Her heart tones were normal naman, pero napansin nga ni OB na she’s too lazy to move. Ginigising kasi niya, nag-move lang once tapos di na nasundan. That made her decide na magpa-ultrasound daw ako. She just wanted to check if I have adequate amnionitic fluid. Baka daw kasi dehydrated si baby.

So dumiretso na ako sa Ultrasound room ng FEU. Nataranta ang family ko kasi I texted them that I’m in the hospital for my ultrasound so walang mainit ang ulo dahil wala pa luto sa bahay dahil nandito pa ako. Hahaha! I admit my fault, mali pagkakatext ko. Nagulat nalang ako at ang nanay ko dumadating na … buti nalang daw maaga siya umalis ng office at nakarating sa FEU on time. Awww thanks mom! Si Jason naman mega text ng text asking if I’m ok, or si Baby J ok naman ba … is there something wrong daw ba kaya pina-ultrasound ako o kasama sa routine check up ko daw yun. Hay, nahawa na si Jason sa pagka-worry wart ko hahaha!

Everything went well … normal heart tones, adequate amnionitic fluid except for the fetal size. I’m already on my 28th week, and her fetal size is only at the size of 23 weeks old baby. Sabi nung OB Sonologist mahina daw yung baby ko … in a sense na mahina daw kumain dahil ang payat. Medyo nag-worry kami ni Jason, pero sabi ni OB wala dapat kami ikabahala. May repeat ultrasound ako next week to a different OB Sonologist na. She changed my multivitamins with amino acids for baby J’s growth. Some of my N@wie sisters told me to eat lots of protein naman. We’re praying naman that Baby J going to be fine. Sana nga bago mag-full term eh lumaki siya ayon sa conception week niya.

Kinausap ni Jason si baby J, sabi niya, “Baby, gusto mo ba maging supermodel? bakit ayaw mo kumain masyado, bat ka nagda-diet?”, and she moved hehehe! Kakainggit talaga bonding nila ni Jason, kasi mas nagrerespond si Baby J kay Jason kaysa sa akin eh. As of today, everything were back to normal, I mean the fetal movements were normal na compared to last Monday. Malamang nag-inarte lang anak ko hahaha.

Finally, goodbye to 2nd trimester. I’m now on my 3rd and last trimester … grabe konting panahon nalang at welcome to the outside world, Baby J. According to babycenter.com:

By this week, your baby weighs two and a quarter pounds (like a Chinese cabbage) and measures 14.8 inches from the top of her head to her heels. She can blink her eyes, which now sport lashes. With her eyesight developing…

May surprise kami sa iyo Baby J … but you have to wait till Sunday pa for that 🙂

Advertisements

~ by jayzanne on March 5, 2008.

10 Responses to “Baby J wants to be a Supermodel”

  1. wow…ano kayang surprise ni mommy anne kay baby J? hmmmm…

  2. ay baguhin nyo na agad ang perception nya… na supermodels eat healthy and don’t starve themselves 🙂

  3. hey anne! dont worry too much about her size. im sure she’s fine. aila was like that when mrs azrael was on her 5th month of pregnancy. and just like jason, mas gumagalaw si aila nun pag ako ang nagsasalita hahaha. i guess it has something to do with jason’s voice. kasi ang mga lalaki daw mas low pitched ang boses at mas naririnig ng bata yun. siguro boses mo pang soprano o kaya boses ipis kaya di ka marinig nyahahaha! anyway, good luck on the pregnancy. lapit na lumabas si baby J yahuuuuuuu!

  4. @ Thet, baka nga di matuloy sa Sunday, pero sa ibang araw oo hehehe! How’s your pregnancy doing?

    @ Mec, naku kinausap nga ni Jason kasi kung genes lang pag-uusapan, eh malabo siya maging supermodel, height palang talo na hahaha! Pang Going Bulilit pwede pa hehehe. Kidding aside … mukhang magana siya kumain ngayon. Kasi tuwing kumakalam tiyan ko eh galaw siya ng galaw. 6x a day na ako kumain ngayon ulit. kaya di nawawalan ng tinapay dito or else magwawala na siya sa gutom.

    @ Azrael, di naman soprano type ang boses ko hahaha! Siguro nafi-feel lang niya kung sino yung mag-spoil sa kanya ng todo sa hindi hahaha.

  5. Hehehe, naaliw ako sa title mo… Anyways, Lapit mo na pala makita si Baby J! I will pray for your safe delivery.

  6. hi anne, lapit ka na pla.tc 🙂

  7. hi anne! curious dn ako sa surprise mo ke baby j! can’t wait till you give birth. stay safe and healthy!

  8. @ Heidi, medyo malapit na matagal pa hehehe. thanks thanks mwah!

    @ Jeanny, hi sis, mwah! Uy so proud of you ang payat mo na ngayon ha. Sana magawa ko din yan after ko manganak kay baby J hihihi.

    @ Cheche, actually hindi na surprise, binulong na ni Jason kay Baby J yung surprise namin sa kanya sa Sunday … parang reward para kumain siya at lumaki hahaha. Bata palang marunong na at alam ang reward thingy hehehe.

  9. naku ang aga pala mag-ambisyon nyang si baby j! parang si mia… nagpapaka-payat at gusto rin yata mag-model. hehe. i hope she gains more weight when she’s out of your tummy para hindi ka rin mahirapan sa labor.

  10. @ Iris, so far malakas siya kumain (i think) kasi gutumin ako ngayon. Well sana nga sa kanya napupunta lahat ng kinakain ko at hindi sa baby fats ko hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: