Baby J @ 31 Weeks

This week, your baby measures over 16 inches long. He weighs about 3.3 pounds (try carrying four navel oranges) and is heading into a growth spurt. He can turn his head from side to side, and his arms, legs, and body are beginning to plump out as needed fat accumulates underneath his skin. He’s probably moving a lot, too, so you may have trouble sleeping because your baby’s kicks and somersaults keep you up. Take comfort: All this moving is a sign that your baby is active and healthy.

Source: babycenter.com 

Yes, 31 weeks na ako sa Wednesday. Weeeeee… Jason and I stopped shopping for a while for Holy Week. We just stayed at home with my two brothers and my mom. While Dad went to Laoag to visit Mamang. Baby J received some hand-me-down stuffs from her cousin Jamiel. Sana di na ako bumili ng maraming onesies, kasi puro onesies yung binigay nila. And eto pa, pinamana din yung baptismal gown niya. Kakatuwa! I can’t wait for Baby J to use the Haviannas Slippers. So cute!

There were times na nan-totoxic si baby J. Susme, minsan super tamad magkikikilos. Siyempre ako naman hindi ko maiwasan ang mag-panic. May time nga umiiyak na ako sa sobrang ayaw talaga niya kumilos kahit ginigising na siya ni Jason. Pero gumagalaw din naman siya, tamad lang talaga.

I’m also having my allergy attacks because of the heat. Di ba allergic ako sa sarili kong sweat? So kung san may sweat, may allergy ako dun. Sabi naman ni OB ok naman ang topicals, wag lang oral medicines. Pero as much as possible, cornstarch nalang daw ilagay ko sa mga allergies ko.

Medyo madalas na ang backache ko ngayon, and I could feel na mabigat na talaga ang tummy ko. Hindi na din ako makalakad ng matagal kasi mabilis na ako mangalay at sumakit ang paa. Pero hindi ko kinakalimutan mag-walking everyday para hindi naman ako manasin. Pati stretching at deep breathing ginagawa ko. Lately I’ve been having asthma attacks because of the weather. Sobrang init sa tanghali kaya lagi naka-on ang aircon (patay nanaman kami sa kuryente!). Sabi nila mom, ok lang daw kasi nga naiiwan ako mag-isa dito sa bahay kaya mas maganda dapat ok ang resistensiya ko for Baby J.

Maundy Thursday was spent at home fixing our room/nursery room. We agreed that we switched rooms with my brother kasi mas bigger yung room nila kaysa sa amin. I was really dead tired that day kahit puro dampot dito dampot dun lang ginagawa ko. Hindi naman kasi pwede ako mag-ayos nun lahat hello??!! Baka mapaanak naman ako ng di-oras nun.

We did try to set up the playpen. Hindi pa kasi nakikita ni mom yung binili namin. Super smile naman si mom… ganda daw. Pero after that pinaligpit na sa akin ni Mom kaagad yung crib. Masama daw kasi na wala pang baby tapos ready na yung playpen or crib … hmmmm… pamahiin! Wala naman mawawala kaya niligpit na namin. Plan pa naman namin na kinabukasan na namin siya iligpit para makita din ni Dad.

Nung dumating naman si Dad, eh nataon super duper init ng panahon. Bigla siyang nag-alala sa baby kasi baka daw mainitan ng grabe! So he asked Jason kung san maganda maglagay ng split type na airconditioner sa house namin. Mag-canvass na daw ng affordable but reliable model ng aircon. Dapat ma-install na before Baby J comes in May. O di ba demanding hahaha.

We’re still on the hunt of our new car … Lahat kasi ng nakikita namin sa Ebay at Sulit.com eh nabili na. Jason wanted an SUV para daw family car na talaga ang dating. Kaya medyo nahihirapan kami talaga maghanap. Meron ba kayo alam?

For those who are eating rice (I know naman everybody does), start na kayo magtipid, pero wag kayo mag-hoard. Magkakaroon tayo ng shortage of rice. Sabi ko na nga ba, may dahilan yung half rice ek-ek policy nila sa mga restaurants eh. This is according to a very reliable source. Kaya nga kagabi, nag-isip kami magpamilya kung ano ang alternative na pwede kainin instead of rice. Serious kami masyado no? Naku pabor ata ako sa mash potatoes at corn as rice replacement. Mas nakakapayat ata yun hahaha.

Lord, help us na malagpasan ang crisis na ito. And thanks for all the blessings You have given us.

Advertisements

~ by jayzanne on March 24, 2008.

7 Responses to “Baby J @ 31 Weeks”

  1. you’re really feeling pregnant now no? 🙂 at wag mo naman mashado ipressure sarili mo na mag-gagalaw dahil baka i-take for granted mo din ang pag-rest mo. it’s not always that you feel na kaya mo eh, kaya ni baby J ang stress. advice lang naman, kasi ganun nangyari sakin kaya napaaga ng 2 months si Mia. i should’ve listened talaga to my mom and my OB back then to just really rest. kulit ko eh. 🙂

  2. kelan ba ang due date mo? naku nakaka excite nga… ako din, panay ang aircon..nakakahiya nga kasi nakikitira ako sa mga in-laws at sa bahay namin eh di naman ako nagbibigay. LOL

  3. naku nakakatuwa magbasa ng mga updates mo – knowing na in a few months, i’ll be experiencing similar things. korek ka dyan sa kainitan ng panahon! kawawa ang mga kuryente bills natin pero of course, baby’s comfort and health comes first! kami puro split type ang aircons namin sa house kasi structurally hindi puwede ang window type – we always get the brand Kolin. relatively cheaper siya and in terms of electricity consumption, it isn’t that bad! 🙂 Good luck sa car hunting! 🙂

  4. @ Iris, naku sis di ko alam na you’ve given birth at 7 months. hindi na ako masyado pasaway ngayon kasi 8 months na ako next month. It’s better nga daw to give birth ng 7 months kaysa pag 8 months ka na. ewan ko kung bakit.

    @ Thet, musta na ang spotting mo? hope you’re ok na … bed rest lang sis … I’m telling you mahirap pero worth it naman. naku ok lang sa kanila yun sis re: electricity bills. Believe me! dati pag nag-e-aircon kami magkakapatid talagang todo talak ang nanay ko na kesyo magtipid kami or whatever. Ngayon nung nabuntis ako at hindi pa ako nag-e-aircon, pinapagalitan ako ng nanay ko kasi ako din daw mahihirapan pag nag-asthma ako dahil sa init. Iba talaga nagagawa ng baby sa pamilya no? ingat palagi ha!

    @ Nikki, hi sis … musta ang buntis? Thanks sa input re: Kolin. Sige, suggest ko kina dad yun. Kasi I think this weekend na ata kami bibili para daw ma-install na. Isang araw lang naman daw ini-install yun.

    I’ll link you up pala sa aking blog. mwah! ingats palagi!

  5. hi! i think it’s great that you’re making a blog about your pregnancy blow by blow. ang sarap balik-balikan ng preggy days. good luck and take care. i linked you up in my blog. =)

  6. we’re on the same boat pagdating jan sa mga allergy attacks because of the heat! Kainis nga because I can’t avoid it kasi di pa airconditioned yung office ko ngayon, kaya naman pag dating ng house super aircon naman ako, kaya I’m expecting our electric bill to be doubled next billing period!

  7. @ Rhea, I’m surely gonna miss my preggy days when Baby J is already out. Pero mas worth it naman pag hawak mo na baby mo di ba? Mas iba ang bonding.

    I’ll link you up as well.

    @ Heidi, wag na muna natin isipin yung electric bill sa panahon na ito, for me kasi mas magastos and mas toxic pag may allergies tayo di ba?kaya aircon ang bestfriend natin ngayon hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: