We’re Ready!

All bags are packed … ay hindi pa pala … konting gamit nalang like pillows and extra Baguio blankets para sa hospital. Pero yung mga necessities needed namin ni Baby J eh naka-pack na. We started sterilizing her bottles already so I can bring one or two of it in her hospial bag. Sabi kasi ni OB just bring bottles just in case kailangan though advocate naman daw ng breastfeeding ang FEU.

Sabi ni OB kami daw magpoprovide ng diaper for baby J, kaya binuksan ko na yung Pampers New Baby na binigay ni Tita Evelyn sa akin. Susme, di ko alam na ganun pala kaliit yun. Ang akala ko may mas liliit pa dun sa Huggies Diaper XS na binigay sa akin ng Havin a Baby. I packed at least 10 diapers … pag nagkulang madali lang kunin sa bahay yung isang pack hehehe. And I’m sure pag normal delivery ako eh 3 days lang ako mag-stay sa hospital. Kaya no worries.

According to her Doppler Study last Saturday, ok naman siya, kaso dun sa part where the amniotic fluid is eh puro umbilical cord ang nakita ng OB Sonologist. So he advised us to undergone NST (Non-Stress Test). Reactive naman si Baby J sa NST niya so wala naman problema, pero OB adviced me of fetal movement counting and drink 2 to 3 liters of water a day para di matuyuan ng amniotic fluid. Ok ok para kay Baby J gagawin ko yan hehehe… buti nalang mainit ngayon. Walang problema uminom ng tubig. Guess what? May Admission Letter na ako from OB … meaning pwede na ako manganak anytime. Ang schedule ng check up ko ginawang twice a week instead of once a week. O di ba … pero isa lang dun may fee si OB, yung 2 days na yun eh good for one day lang. On Wednesday, ma check up ako ulit sa kanya… at 37 weeks na ako nun. Then come Saturday, may ultrasound ulit … yun eh kung di pa ako manganganak.

Gusto na ni Jason lumabas si Baby J … para daw makapagtrabaho siya ng maayos hahaha! Dad requested na mas madami dapat siya time nandito sa bahay kaysa sa site kasi no ones gonna drive for me kung sakali manganak ako. OK naman kay Jason. Siyempre prinsesa niya yung mag-ga-grand entrance anytime. Good thing na rin may household help na dumating last Sunday. At least all I could think of is meand the baby and nothing else. Sila na muna mamroblema sa pagluluto hahaha.

Grabe na movements ni Baby J ngayon, may kasama ng contractions, lalo na sa gabi. Minsan nga namimistaken ko na contractions yun, pero pag naramdaman kong gumalaw siya eh hindi ko na pinapansin. Hinihimas ko nalang ang aking tummy kasi I know inip na inip na siya at gusto na lumabas.

Baby J, Mom and Dad can’t wait to see you … are you having your grand entrance on Mother’s Day? Sana nga para maganda ang gift ni mommy, ni Lola Lydia and Lola Perly on that day ๐Ÿ™‚ We’re hoping to see you soon mwah!

Advertisements

~ by jayzanne on May 5, 2008.

9 Responses to “We’re Ready!”

  1. talaga nga naman ano. ang bilis ng panahon. tanda ko pa dati nung nakikipagkulitan ka sa WPP forum, lagi ka namin inaasar dahil parang hindi yata kayo makabuo. pero look at you now, you’ll soon be a proud mom of a pretty lil girl im sure!

    konti na lang anne. malapit naaaaaaaa. sobrang excited na kayo siguro. i wish you all the best. wag intindihin ang sakit. mapapalitan lahat ng ngiti at saya yan!

  2. wow! malapit na nga! naku….you are in my prayers para safe ang delivery ni baby j. at pagnakarecover ka na kukulitin na kita for your birthing kuwento! hahaha ๐Ÿ™‚ take care always and take it easy ok? ๐Ÿ™‚ sana yung next post mo, may picture na ni baby j!

  3. been a while since I’ve been here but wow, you’re almost there! looking forward to photos and stories ๐Ÿ™‚

  4. hello. im new to the wp love link and im currently hopping. kakatuwa blog mo, masarap basahin. anyways, congrats on your baby. i’ll definitely be back to check on mommy stories and of course your little angel’s picture. safe delivery to you.

  5. @ Azrael, salamat sa KINGKONG style mo at nabuo namin si Baby J hahaha!SI Jason lagi niya sinasabi kay baby J ngayon na pwede na siya lumabas starting tomorrow … ayan tuloy may contractions nanaman ako ngayon, medyo sumasakit na nga likod ko hahaha.

    @ Nikki, hi sis, wish ko lang may baby pics na ako next post ko, pero depende pa din kay Baby J kung kailan niya gusto lumabas … pero feeling ko malapit na. Hinihintay nya lang go signal ni OB.

    @ Jen, long time no hear, sensya na rin di ako masyado nakaka-bloghop ngayon ๐Ÿ™‚ nice to hear from you again mwah!

    @ Abby, thanks for dropping by mwah!

  6. lapit lapit n, ann! im so excited for you. sana nga mother’s day. pero khit kelan basta u have a safe delivery.

  7. Newbie po ako d2.. pwede po ba xlinks tayo?

    Wow congrats po.. Hope makita namin pics ng baby!! Can’t wait to see.. ๐Ÿ™‚

  8. wow, lapit na nga! congrats at i-iri mo ng mabuti ๐Ÿ™‚ hehehe

  9. @ Cheche, naku tama ka, kahit kailan basta safe delivery and normal, walang complications. Pero ayaw ng mom ko na manganak ako ng Friday or Tuesday kasi covered daw ng sorrowful mystery yun … hala may ganun pang nalalaman si mommy hahaha!

    @ Emoboyblue, thanks for dropping by.

    @ Dyes, hi sis, salamat sa pagbisita … oo i-iiri ko siya ng mabuti. Gusto ko nga nagyon na kaso ayaw pa bumaba eh hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: