On a party we went

Last night, sinama ako ni Jason sa party ng president ng UAP Capitol Chapter. According to Erlie (wife ng celebrant na si Bong) eh munting salo-salo lang daw yun … and surprise party for her husband … (munting salo-salo ba yung Blue Petals and caterer?). Akala ko hindi ako kasama sa lakad na yun. Pero sinama pa din ako ni Jason para daw matagtag ako hehehe.

I just wore my pink striped maternity polo shirt and black leggings and Crocs shoes … medyo concious pa nga ako sa suot ko pero what the heck, wala naman ako iba damit kundi mga ganun lang. And besides, I have an excuse to wear something not so in fashion coz I’m pregnant hehehe. One thing good about Jason’s crowd, kahit mga arkitekto mga yun eh super duper down to earth sila. Adopted child na nga ako ng UAP Chapter as far as I can remember nung sumasama ako sa activities nila nung hindi pa ako buntis. Kulang nalang talaga mag-take ako ng board and get my license para maging member nila.

My God, ang ganda ng bahay nila … or should I say, ang ganda ng place nila (di ko pala napasok bahay nila pero nakita ko some part of it). Yung office kasi ni Bong and Erlie nasa right side lang ng bahay nila tapos may beautiful garden with pond pa. It’s made of scraps of wood from an old house na giniba na. Hindi mo mapagkakaila na arkitekto nakatira dun … super ganda ng office nila. These are some of the things Jason and I wanted din someday na magkaroon kami. I plan on helping my husband nalang kasi sa mga projects niya para I don’t have to be a corporate slave. At least matututo pa ako kung paano patakbuhin yung negosyo.

Jason and I are planning to move out on our own sometime this year. Hindi pa namin alam kung mag-rerent kami or bibili ng lot to have our dream house build there. Pero I told him na maganda talaga na pag may own house na kami eh dapat may room siya for his office. Kasi pag marami ginagawa si Jason lalo na pag mag-eestimate yan, susme, nakakalat ang mga blue print sa bed namin. Halos di ka na makakilos. Sabi ko sa kanya, “pag dumating na si Baby J, ewan ko kung makatrabaho ka pa sa room natin hahaha!”

Ilang beses ng nasabihan si Baby J na nagdala ng swerte sa buhay namin ni Jason. Last night, yun kasi ang isa sa topic, kaliwa’t kanan daw ang project ni Jason. Ngayon taon kasi na ito, pinagpapasalamat namin sa Diyos na madami talaga project na nakukuha si Jason. Continuous ang shower ng blessings kaya di kami masyado nagigipit. Kaya halos everyday talagang super nagpipray ako at humihingi ng constant guidance  at nagpapasalamat sa Kanya sa mga binibigay Niya sa amin.

So hopefully, pag nagtuloy-tuloy pa ang belssings eh matuloy na makabukod kami … medyo masikip na ang bahay nila Dad para sa amin lahat. Kaya dapat baby J, maganda lumabas ka na sa tummy ni Mommy so we can take care of you and we can decide already what’s the next step to take 🙂 mwah!

Advertisements

~ by jayzanne on May 10, 2008.

3 Responses to “On a party we went”

  1. Hala sige lakad ng lakad para lumabas na si Baby J.

    Happy Mother’s Day sis!

  2. Hi sis Mai, actually natagtag nga ako, kasi kinabukasan pagdating namin kay OB for check up, 2 cms na ako hahaha … kaya pala masakit na yung likod at puson ko nun hahaha.

  3. Hi Sis! COngrats!!!Cutie ni baby!!!hay, naalala ko tuloy yung birthing story ko.,.very traumatic pero super happy ako sa outcome. Godbless! I have a tag for you do it na lang pag you have plenty of time na. It can wait naman, you’re motherhood can’t =) Enjoy your baby!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: