Marunong na Magtipid…

Baby Janna already know the art of “pagtitipid” … or was it just coincidence? Coincidence because she had diaper rash a week ago. And since she’s using diapers from day 1, my mom told us that she needs to wear “lampin” for the time being … hanggang mawala lang daw yung kanyang diaper rash.

Until now Jason haven’t bought any diapers … nakakatipid na kami dahil mas pinili na ni Baby Janna for her to use cloth diapers. Goodluck to us pag time to visit her pedia, baka ayaw na niya mag-diapers huhuhu. Kahit kasi sa gabi ayaw na niya mag-diaper. Blame it on our very humid climate this past few days.

She uses 4 dozen of lampin a day … thank God for maids … they washed up all Janna’s soiled lampin regularly … every morning, afternoon and night. Oh di ba nakatipid nga kami sa diaper, pero mukhang mataas ang bill namin sa tubig this coming month hahaha.

Initially, we bought only 2 dozens of cloth diapers. Last week, mom bought additional 2 dozens … and planning more to buy dozens of it. Sale ang Enfant, natuwa ang lola kaya bili ng bili.

Another thing, she doesn’t want herself stuck in an aircon room. Kahit mainit na at init na init na kami lahat sa bahay, ayaw pa rin niya na naka-aircon. Hindi siya makatulog at sa tingin ko mana siya sa mom ko na ginawin. Ayan tuloy, my asthma and skin asthma has been eating me up this past few weeks. Dahil nasanay ako mag-aircon lalo na nung pregnant ako sa kanya, konting bahid lang ng init eh nag-aallergy ako. Wala naman ako magawa, hindi naman matutulog ang anak ko pag nag-aircon kami. O di ba, bawas sa bill ng kuryente?

Eversince Jason told Janna na ubusin ang kanyang milk every feeding, lagi siyang ubos. Hindi siya nagtitira. Kaya kahit mahal ang formula niya eh natutuwa naman kami pag inuubos niya ang milk niya.

Hay … love talaga namin si Baby Janna, kahit nagkakandahirap na kami para sa kanya ok lang … wish lang namin na tumigil na ang pagiging iyakin niya lalo na sa gabi!

Advertisements

~ by jayzanne on July 5, 2008.

11 Responses to “Marunong na Magtipid…”

  1. Ann, seriously?! 4 dozen lampins a day? Naku! I’m planning to use cloth diapers for my baby din when he gets here. Kasi isip ko, i’m just doing my part to save the environment. Right now, I only have a dozen (still waiting for the baby shower before i buy more). Plano ko sana 2 dozens lang. pero kung a day, at maulan pa by the time na lumabas sya baka more than 6 dozens ang kailangan ko.

  2. hi ann! i like baby’s nickname ha, janna. sosyal!

  3. hi ann! i left that previous message, using my husband’s account.

    cheche
    http://www.frechie.com/myblog

  4. hey sis! katuwa naman si janna (lagi pa ring baby j ang naiisip kong itawag hehe). Yung pinsan ni Ethan (na girl din), naka-lampin rin kasi nagkaka-rashes din sya although pareho sila ng diapers na gamit ni Ethan. Does it have something to do with anatomy? 😛

    lapit nang mag-2 months si janna…bilis ng panahon ano?

  5. omg 4 dozen? waaah – eh iilan pa lang ang nabili kong cloth diapers! panic tuloy ako – pero ok din yung di sanay sa aircon lagi si baby janna. at least mas titibay ang lungs and immune system niya diba? 🙂 yun nga lang, konting tiis on our part 🙂 take care always!

  6. Hi sis, you can also try “Mothercare’s washable diapers,” it’s a bit pricey but so worth it. I guess you can try 1 set if it works for Janna. see my post here http://obiasadventure.blogspot.com/2008/05/smart-nappy.html and here http://obiasadventure.blogspot.com/2008/04/mothercare.html.

  7. @ Jenb, yup 4 dozens po. Kaya nga kulang pa yung cloth diaper namin, buy pa kami this weekend. Sale sa Enfant, maganda yung texture ng cloth nila, hindi magaspang.

    @ Cheche, gusto ko din naman na name niya yan nung namimili pa kami ng pangalan. And since nasunod naman ang lola sa pangalan eh nararapat lang na masunod ang mommy sa nickname hehehe.

    @ Che, nagmana siya sa akin ng atopic dermatitis kaya di siya pwede naka-diaper ng matagal. Di ko nga alam kung hanggang kailan siya maglalampin. Hopefully when she learns to sit up eh mag-diaper na siya. Parang di ko ata carry na may weewee all over the house hahaha.

    @ Nikki, naku sis, wag ka muna mag-panic, di naman ganun ka-grabe mag-weewee ang newborn baby. Kaya marami ka pa time bumili hehehe. Pero sale ang Enfant ngayon, you can buy their cloth diapers at 20% discount ata. 1 dozen per pack na yun. I use gauze diapers at day and birdseye at night. May Chino Pino Diaper din ako I use once in a while pag trip ni Janna. Pag ayaw niya di namin siya magamit.

  8. Ann – Chino pino yung nabili ko, kasi di na kailangan ng pins or clips. Ok naman ang enfant? Sige nga, subukan ko, i saw them the last time nag shop kami eh….

  9. nakakatuwa naman ang baby mo, jayzanne. may mga preferences na talaga sya kahit maliit pa. at marunog na ding makinig ng instruction. 🙂

  10. sis..si asher sandali lang siya naglampin…naka-briefs siya. Mas madaling palitan wala ng clips at tupi-tupi and I must say mas tipid sa paglalaba since mas malaki ang lampin. Sa gabi lang siya nagdi-diapers and we put Desitin anti-rash cream. Effective naman siya at dinagra-rashes si asher. I suggest hinay-hinay lang sa lampin kasi pag lumaki-laki na si Baby J ng onti, pede na siyang magpanty na lang. 🙂 Although gamit na gamit din namin mga lampin as burp cloths and sapin minsan.

  11. @ Nikki, naks CHino Pino, sosyal … isang set lang binili ko Chino Pino, malaki pa masyado kay Janna kaya minsan lang namin magamit. Lampin baby talaga siya.

    @ Salve, hehehe oo nga eh. thanks for dropping by.

    @ Mai, si mom ganun ang ginagawa, pinagpa-panty niya lang si Janna pag siya nag-aalaga. Kaso weewee machine talaga si Janna, nauubos yung panty niya (6 pieces lang naman) at bumabalik din siya sa panty hehehe. Naku nagyon bumili nanaman si mom ng 2 dozens of lampin. sabi ko nga wag na dahil malapit na mag-diaper ulit si Janna. Pero kahit kasi anong diaper cream ilagay namin, nagkaka-rashes pa din si Janna kaya di pwede matagal sa kanya yung diaper. Goodluck sa binyag niya, sana di siya maging cranky.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: